Showbiz News

Barbie Forteza at David Licauco, naghahanda na para sa 'Pulang Araw'

By Kristian Eric Javier

Matapos ang success ng kanilang huling serye na Maging Sino Ka Man, naghahanda na sina Barbie Forteza at David Licauco, o mas kilala bilang Team BarDa, para sa bago nilang seye na Pulang Araw.

Ayon sa mga Kapuso stars, sumasabak na sila sa iba't ibang trainings para sa kanilang mga role.

Sa interview nina Barbie at David kay Aubrey Carampel sa "Chika Minute" para sa 24 Oras, ibinahagi ng aktres na nagsisimula na sila ng co-star niya na si Sanya Lopez na mag-training ng tap dancing bilang mga bodabil stars.

Kuwento ng aktres, “Hirap na hirap kami. Kailangan tama 'yung footwork mo kasi maririnig e, may sound talaga e. At saka iba 'yung sapatos, medyo matigas siya.”

Samantala, bilang isang Japanese soldier ang karakter na gagampanan ni David, naghahanda na rin siyang mag-aral ng Nihongo at gun handling.

“Siyempre kailangan ko pa rin mag-work out, at saka I think may mga baril-barilan,” sabi nito.

BALIKAN ANG ILAN SA MGA KILIG MOMENTS NINA BARBIE AT DAVID SA GALLERY NA ITO:

Bilang nalalapit na rin ang Pasko, inamin ng dalawa na naghahanda na rin sila ng mga regalo para sa isa't isa. Ngunit ang Kapuso Primetime Princess, may ibinahagi tungkol sa klase ng regalo na gusto niya matanggap.

“Ako, mas na-a-appreciate ko 'pag it's something personal, so 'pag in-effort talaga,”pagbabahagi ng aktres.

Dagdag pa nito, “May it be food, ganiyan, or mga DIY talaga na klase ng regalo kasi pinag-effortan mo e, hindi mo lang basta binili.”

At nang tanungin si David kung ano ang regalo niya kay Barbie, “Lamigin kasi siya kaya bibilhan ko siya ng jacket.”

Samantala, neck pillow naman ang planong iregalo ni Barbie sa Pambansang Ginoo.

Paliwanag niya kung bakit, “Kasi siyempre di ba, alam naman natin na medyo may problem siya with sleeping, so kaya nagtataka ako, bakit wala siyang neck pillow e parang lagi siyang on the go, lagi siyang may business, lagi siyang travelling.”