Showbiz News

Mona Louise Rey: Future doctor and fashion designer

By EUNICIA MEDIODIA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Malapit na nating mapanood ang sweet at cute na young Kapuso actress na si Mona Louise Rey. Gaganap siya bilang Rachel sa My BFF.
 
Tinanong ng GMANetwork.com ang young actress tungkol sa kanyang magiging role sa naturang palabas.
 
“Ako po ‘yung batang laging inaapi, lagi pa ring binu-bully. Magkaka-BFF po ako na multo, magiging tagapagtanggol [ko] po,” kuwento niya.
 
Ang gaganap na kanyang BFF na multo ay si Jillian Ward.
 
Ang iba pang makakasama ni Mona Louise Rey rito ay ang mga magagaling na artista tulad nina Manilyn Reynes, Janno Gibbs, Leandro Baldemor, Valerie Concepcion, Pen Medina at Irma Adlawan.
 
Sina Janno Gibbs at Valerie Concepcion daw ang first time na makakatrabaho ng young actress dito.
 
Ano naman ang kanyang ginagawa kapag naka-break sila?
 
“Naglalaro po, nagbabasa ng script,” sagot niya.
 
Bukod sa paglalaro, gustong-gusto raw ni Mona ang mag-aral dahil napaka-importante nito para sa kanilang mga bata.
 
Sabi pa niya, “Para po magkaroon sila ng magandang kinabukasan” kaya kailangan nila mag-aral ng mabuti."
 
English and Math daw ang kanyang favorite subjects. At balang araw pangarap niya maging doctor at fashion designer paglaki niya.
 
Bakit niya gusto maging doctor? “Para makatulong sa ibang tao,” sabi niya.
 
Mahilig mag-drawing at gumawa ng bracelet ang batang aktres 'pag wala siyang taping.
 
Kaya naman nais niya maging fashion designer din, “Gusto ko maging creative, gumawa ng bags, heels at mga damit.”
 
Abangan ang naaangking galing sa pag-arte ni Mona Louise Rey sa My BFF this June 30 sa GMA!