Showbiz News

Maagang regalo ng kasiyahan at kuwento ang hatid ng 'AHA!' ngayong Linggo

By Kristian Eric Javier

Masayang kuwentuhan at kakaibang challenges na puwedeng subukan ngayong Pasko ang handog ng AHA! ngayong Linggo!

Dahil papalapit na ang Pasko, nagsisimula na ring mag-ipon si Kapuso star Arra San Agustin para sa Noche Buena. Sino kaya ang special someone na makakasama niya sa Bisperas ng Pasko?



Kailangan pa nga ba mag-ipon ng malaki para sa Noche Buena? Gamit ang isang murang Noche Buena recipe, tutulong ang look-alike ni “Daniel Padilla” para magkasya ang halagang 1,000 sa pagkaing ihahanda sa hapag-kainan!



Magniningning naman ang Kapaskuhan hindi lang dahil sa nalalapit na Metro Manila Film Festival kung saan ipapalabas ang pelikulang Firefly, kung 'di dahil na rin sa last minute na galaan! Kagiliwan ang interactive light display sa Laguna at maglaro sa 24/7 na arcade sa Maynila.


Pinakamasayang araw ng taon ang Pasko ngunit isang evil Santa rin ang naghahasik ng lagim sa panahong ito. Better be nice at iwasan maging naughty kung ayaw mahuli!

Kayo ang tunay na panalo sa AHA! kaya abangan ito ngayong Linggo, 8:15AM sa GMA!