Showbiz News

Dingdong Dantes, naniniwalang pang-best actress ang performance ni Marian Rivera sa 'Rewind'

By Aedrianne Acar

Ayaw munang pangunahan ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang mangyayari sa awards night ng 2023 Metro Manila Film Festival, kahit maraming fans ang nagsasabi na malakas ang laban niya na makuha ang Best Actor trophy para sa kanyang role bilang John sa pelikulang Rewind.

Leading lady ni Dingdong ang kaniyang misis na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa much-awaited movie project na ito na dinirehe ni Mae Cruz Alviar.

Sa eksklusibong panayam sa Dantes couple ng GMANetwork.com kahapon, December 17, sinabi ni Dingdong na mas maganda na makita muna ng publiko ang pinaghirapan nila sa Rewind.

“Thank you sa kanilang feedback, napakalaking bagay nung feedback na 'yun siyempre” saad ng award-winning actor.

Pagpapatuloy niya, “Pero wait till you see the whole film, iba talaga 'yung kabuuan kapag nakita na nila and ako, I can only answer for myself. Dahil, siya talaga [pertaining to Marian] 'yung ka-eksena ko at masasabi ko napakahusay talaga ng asawa ko dito sa pelikulang ito.”

Lubos na humanga rin si Dingdong sa pagganap ni Marian bilang Mary at naniniwala siya na pang-best actress ang performance nito.

Paliwanag niya, “Kasi, siyempre nakita natin siya sa iba't ibang roles, hindi lang sa TV, pati sa pelikula. As a fan, siyempre ako rin naman ay isang fan mo. Ay siyempre bilang isang partner, as being the leading man, nakita ko talaga kung gaano niya sineryoso at kinareer itong role niya sa pelikula.

“Siyempre hindi ko rin naman nakita 'yung iba, hindi ko pa naman napapanood. Pero siyempre, para sa akin siya ang Best Actress.”

Ayon naman kay Maria, hindi raw niya magagawa ang role bilang Mary, kung walang guidance at support ng mister: “Ay naku! Ako, vice versa rin ako, kasi ang dami ko napanood kay Dong na mga nagampanan niya. Pero sa bawat ginagampanan niya nakikita ko 'yung different level siya sa pag-acting. At sa katunayan niyan, sabi ko nga hindi ko magagampanan 'yung role ni Mary kung hindi talaga siya 'yung partner ko.

“At since day one na umaarte ako, dahil ang tagal ko kasi na hindi nagpelikula. So, hindi ko alam kung paano kapain: ano ba ang tamang pag-arte? Malaki ba [o] maliit?

“So, siya 'yung parang naging mentor ko na: Ah, medyo dapat ganito 'yung atake natin, ganito'.”

Dagdag ni Marian, “So, parang dalawa 'yung naging direktor ko dun: si Direk Mae at si [Dingdong]. Nandun din siya para sa akin. Kasi, naappreciate kung paano niya ako, bantayan sa bawat eksena.

“Isa siya sa mga talagang masasabi ko na nagche-cheer up para sa akin, para magampanan ko ng tama 'yung character na Mary.”