GMA Logo kathryn bernardo and ronaldo valdez
Source: bernardokath (Instagram)
What's Hot

Kathryn Bernardo, nagdadalamhati sa pagpanaw ni Ronaldo Valdez

By Jimboy Napoles
Published December 18, 2023 12:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

September Christmas in PH? Partly due to mall culture, Jose Mari Chan, says experts
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

kathryn bernardo and ronaldo valdez


Binalikan ni Kathryn Bernardo ang masasayang alaala nila ng yumaong beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.

Muling ibinahagi ng aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram stories ang ilang mga video at larawan niya kasama ang yumaong beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.

Nalungkot ang marami dahil sa balitang pumanaw si Ronaldo sa edad na 77 nitong Linggo ng gabi, December 17.

Bagamat hindi pa inilalabas ang dahilan ng kanyang pagkamatay, kinumpirma ng Quezon City Police District ang kanyang naging pagpanaw.

Nagkasama sina Kathryn at Ronaldo sa seryeng 2 Good 2 Be True, na huling serye rin ng aktres kasama ang ex-boyfriend na si Daniel Padilla.

Matatandaan na dumalo pa si Ronaldo sa premiere night ng pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl noong Setyembre 2023.

Sa Instagram stories ni Kathryn, makikita ang naging bonding moments nila ni Ronaldo at ilang videos habang masayang kumakanta ang yumaong beteranong aktor.

Sa isang post noon ni Kathryn, sinabi niya kay Ronaldo na, “You are the Lolo I never had," dahil hindi umano naabutan ng aktres ang kanyang tunay na lolo.

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa naulilang pamilya ni Ronaldo kabilang na ang kanyang asawa na si Maria Fe Gibbs; kanilang mga anak na sina actor-comedian Janno Gibbs, at Melissa Gibbs.

Napanood din si Ronaldo sa maraming programa ng GMA, isa na rito ang Full House kasama si Heart Evangelista noong 2009.

Lubos ang pagdadalamhati ngayon ng pamilya, kaibigan, at buong industriya ng pelikula at telebisyon sa pagpanaw ni Ronaldo.

ALALAHANIN ANG IBA PANG MGA YUMAONG ARTISTA RITO: