Showbiz News

Sherilyn Reyes-Tan, nagluluksa sa pagpanaw ng 'Bahay Mo Ba 'To' co-star na si Ronaldo Valdez

By Aedrianne Acar

Labis ang lungkot ng versatile actress na si Sherilyn Reyes-Tan nang makumpirma kahapon, December 17, na pumanaw ang seasoned TV-movie actor na si Ronaldo Valdez.

Nakasama ni Sherilyn si Ronaldo sa hit Kapuso sitcom na Bahay Mo Ba 'To na gumanap bilang Nene Mulingtapang.

Sa tribute ng aktres sa Instagram, ibinahagi niya ang ilang screenshot mula sa episode ng Bahay Mo Ba 'To.

Post ni Sherilyn, “T'yo Nene! Tay! Tito Ron! Salamat at nagkaroon ako ng pagkakataong makatrabaho kayo ng ilang taon, makasalubong kayo sa mall ng napakaraming beses… nalulungkot ako Tay. Habambuhay kang magiging si Lolo Sir sa aming pamilya at si T'yo Nene rin sa akin… Paalam Tay! Rest in Peace.”

Nakasama rin sa naturang comedy show ni Sherilyn sina Tessie Tomas, Gladys Reyes, Wendell Ramos, Pekto, at marami pang iba.