Showbiz News

Sparkle stars, magi-give back bilang pasasalamat sa blessings ngayong 2023

By Kristine Kang

Very grateful daw ang mga Sparkle artists sa kanilang taon na 2023 dahil punong-puno ito ng mga opportunities and blessings para sa kanila.

Isa na rito ang Black Rider star na si Herlene Budol, na feeling blessed ngayong taon.

Sabi niya sa isang interbyu ni Nelson Canlas, "Nararamdaman ko na feeling blessed ako this year kasi every time nagpre-pray ako kay Lord, thank you and good health na lang ang hinihiling ko dahil sa sobrang dami binibigay niya para sa akin."

Nakapanayam rin si Sparkle star Ashley Ortega kung saan ibinahagi niya na spreading positivity and love ang pagtutuunan niya ngayong Pasko, bilang pasasalamat sa kaniyang blessings.

Being kind and sharing her blessings naman ang nais gawin ni Rhian Ramos.

Paalala rin ng aktres na bigyan rin ng oras ang mga taong nagmamahal sa atin. "Lalo na Pasko ngayon and there is always someone that you can help to have a better Christmas."

Bilang pasasalamat sa kanilang fruitful 2023, nakisaya ang buong Sparkle family sa kanilang kamakailan na holiday celebration.

Present rin ang mga Kapuso stars na sila Jak Roberto, Max Collins, Klea Pineda, Rita Daniela, Rocco Nacino, Martin Del Rosario, at GMA Senior Vice President, Atty. Anette Gozon Valdes.

Ang holiday night ng Sparkle family ay punung-puno ng kasiyahan dahil sa kanilang fun games, live performances, at pagsasalo-salo sa kanilang masarap na hapunan.

Related gallery: Sparkle stars delight their fans at Sparkle Grand Fans Day: