
Kasalukuyan nang ipinalabas ang GMA adaptation ng 1991 film na Maging Sino Ka Man na may parehong pamagat sa popular streaming service na Netflix.
Nag-premiere ito sa Netflix Asia Pacific at Middle East noong December 10.
Noong Biyernes, December 15, nakasama ang Maging Sino Ka Man sa Top 10 TV shows sa Netflix Philippines.
Ito ang ikalawang programa nina Barbie at David na napapanood sa Netflix matapos ang hit historical portal series nilang Maria Clara at Ibarra, na consistent na nanguna sa Top 10 TV Shows sa Netflix Philippines nang ilang linggo. Nagsimula itong mag-stream sa nasabing platform noong April 14.
Tampok din sa Maging Sino Ka Man sina E.R. Ejercito, Jeric Raval, Jean Saburit, Juan Rodrigo, Antonio Aquitania, at Jean Garcia.
Kabilang din sa cast nito ang Sparkle artists na sina Juancho Triviño, Faith Da Silva, Mikoy Morales, at Rain Matienzo. Sina Juancho, Rain, at Juan ay naging parte rin ng Maria Clara at Ibarra.
Nagkaroon naman ng special participation sa Maging Sino Ka Man sina Al Tantay and Tonton Gutierrez.
Ang Maging Sino Ka Man ay mula sa direksyon ni Enzo Williams.