
Dinagsa ng mga Global Pinoy ang nagdaang "Ang Saya-Saya ng Pasko sa Nagoya" event sa Nagoya, Japan, kung saan binisita sila ng ilang cast ng hit afternoon medical series na Abot-Kamay na Pangarap.
Nagpunta kamakailan ang ilang cast ng medical series na sina Jillian Ward, Ken Chan, Carmina Villarroel, at Richard Yap para makisaya sa mga Kapuso na nasa Japan, at bigyan sila ng isang Christmas season to remember.
Naganap ang event nitong December 16 at 17 sa Angel Park at ayon sa post ng GMA Pinoy TV sa kanilang Instagram page, ay dinagsa na ng Global Pinoys ang event sa unang araw pa lang. Makikita rin sa ilang video post si Jillian na nakikipag-kamay at bumabati sa mga Pinoy sa Japan.
Sa second day ng event ay sinorpresa nina Kazel Kinouchi at Pinky Amador, sina Zoey at Moira sa serye, ang mga dumalo sa event.
Inorganisa ng One Network Co. Ltd. at ng Filipino Community in Central Japan ang nasabing event, in cooperation with Overseas Workers Welfare Administration, Department of Migrant Workers, and the Philippine Consulate General in Nagoya. Habang media sponsors naman ng event ang GMA Pinoy TV, GMA Life TV, and GMA News TV.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA LARAWAN NI JILLIAN MULA SA JAPAN DITO: