Showbiz News

Jillian Ward at Ken Chan, thankful sa Global Pinoys sa Japan

Kamakailan lang, idinaos ang One Network at GMA Pinoy TV's event na “Ang Saya-saya ng Pasko sa Nagoya.”

Sa naturang 2-day event sa Nagoya, Japan, labis na nag-enjoy ang ilan sa cast members ng GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.


Kabilang na rito ang Sparkle stars na sina Jillian Ward at Ken Chan, na napapanood sa serye bilang sina Doc Analyn at Doc Lyndon.

Tila mas naging memorable para kina Jillian at Ken ang pagbisita nila sa Japan dahil ito ang kauna-unahang beses nilang pagpunta sa bansa.

Sa ilang panayam, hindi na naitago nina Jillian at Ken ang tuwa na kanilang naramdaman sa naging mainit na pagtanggap sa kanila ng Global Pinoy sa Nagoya.

Pahayag ng tinaguriang Star of the New Gen, “Sobrang lamig dito pero pumunta po sila sa dalawang araw na event po namin dito.”

“Grabe po ang mga Global Pinoys. Maraming salamat po sa inyong lahat,” dagdag pa ni Jillian.

Pahayag naman ni Ken, “It's my first time here in Japan. Ramdam na ramdam 'yung warm welcome ng Global Pinoys.”

Nakasama rin nina Jillian at Ken sa pagbisita sa Japan ang ilan pa sa kanilang co-stars sa serye.

Kabilang dito sina Carmina Villarroel, Richard Yap, Pinky Amador, at Kazel Kinouchi.

Samantala, patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: