
Isa ang batikang aktres na si Cherry Pie Picache sa mga artistang nagluluksa sa pagkamatay ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.
Mangilan-ngilan din ang programang pinagsamahan ng dalawa. Sa katunayan, tinawag ni Cherry Pie si Ronaldo bilang isa sa kanyang mga naging ka-close sa showbiz sa mahabang panahon.
"Actually, hindi pa ako nagpo-post. Hindi pa ako nagpo-post. If there are any senior actors na medyo, you know, I can say that, you know, I got kind of close with, isa si Tito Ron don. Hindi pa nga ako nagpo-post kasi [ayoko pang i-entertain], tsaka anong sasabihin ko?" pahayag ni Cherry Pie sa press conference ng Firefly, ang entry ng GMA Network sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.
Sa pagkawala ni Ronaldo, mas kumonti na ngayon ang mga artistang pagpipilian upang gampanan ang mga karakter na sila lamang ang makakapagbigay buhay.
"Pinag-uusapan namin madalas, 'di ba sa mga co-actors, ngayon, lalo na 'pag senior actors, ang hirap-hirap na. Parang wala ka ng mahanap na sino papalit?" pag-amin ni Cherry Pie.
"Napag-usapan 'yun, recently lang. Parang, sabi namin, katulad with the likes of Tito Ron, sino? 'Di ba? Ang konti na lang nila. Sobrang nakakalungkot."
Pumanaw si Ronaldo noong December 17, 2023 sa edad na 76.