GMA Logo Maria Clara at Ibarra
What's Hot

'Maria Clara at Ibarra,' mahigit 22M oras pinapanood sa Netflix

By Marah Ruiz
Published December 20, 2023 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

American Ebola patient evacuated from DRC to Germany is in stable condition, CDC says
Woman in Bacolod arrested with P28.5M suspected shabu
Bangsamoro Darul-Ifta' says Eid al-Adha 2026 is on May 27

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra


Nagtala ng mahigit 22M oras na panonood sa Netflix ang 'Maria Clara at Ibarra' sa kalahating taon ng 2023.

Patuloy ang mainit na pagtanggap ng mga manonood sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Sa top streaming service na Netflix, nakapagtala ang programa ng 22,100,000 oras na panonood mula January hanggang June ng taong 2023.

Kahit hindi ito released globally at tanging sa Pilipinas lamang napapanood, ang Maria Clara at Ibarra ang ika-971 pinakapinanood sa listahan ng mahigit 18,000 titles na available sa Netflix worldwide.

Nagsimula itong maging available sa streaming service nito lang April 14, 2023.

Ang Maria Clara at Ibarra ay kuwento ng isang Gen Z nursing student na papasok sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Pinagbidahan ito nina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose, Pambansang Ginoo David Licauco at Kapuso Primetime Princess at 2016 Fantasporto International Best Actress Barbie Forteza.

Maaaring i-stream ang Maria Clara at Ibarra sa Netflix Philippines.