GMA Logo Zeinab Harake
Courtesy: Zeinab Harake (YouTube)
What's Hot

Zeinab Harake, ipinasilip ang set ng pelikulang 'Kampon'

By EJ Chua
Published December 21, 2023 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Zeinab Harake


Mula sa pagiging vlogger, isa na ring artista si Zeinab Harake.

Nagsimula na ang artista journey ng kilalang vlogger na si Zeinab Harake.

Sa bagong vlog ni Zeinab sa YouTube, ipinasilip niya ang behind-the-scenes ng kauna-unahang movie na kanyang kinabilangan.

Ito ang pelikulang Kampon, isa official entries ng 2023 Metro Manila Film Festival.

Sa naturang vlog, ibinahagi niya ang ilang clips, kung saan kasama niya ang mga aktor na sina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez.

Ipinasilip din ni Zeinab ang ilang behind-the-scenes ng kanyang karakter sa set ng pelikula.

Mapapanood din sa vlog na kasama ng vlogger-actress ang kanyang boyfriend na si Bobby Ray Parks Jr., na ayon sa una ay napakasupportive.

Sa huling parte ng vlog, ibinahagi niya ang ilang clips mula sa premiere night ng Kampon.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 254, 000 views ang vlog ni Zeinab tungkol sa kanyang first-ever movie.