Showbiz News

Mikael Daez: Game na game sa gay roles

BY AEDRIANNE ACAR 

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Chick magnet si Kapuso actor and host Mikael Daez. Paano bang hindi mai-in-love ang sino mang babae kay Mikael? Bukod sa hot physique and sweet smile ay napaka-articulate pa ng binatang actor.

After doing several drama programs sa Kapuso Network tulad ng Adarna at Amaya, heto ngayon at may bagong project si Mikael na comedy naman, ang Ismol Family. 

He plays Bernie ang best friend ni Jingo Ismol (Ryan Agoncillo), na habulin ng mga babae at naghahabol din sa kapwa lalaki. 

Wait! Ano raw? 

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Mikael sa press conference ng Ismol Family, sinabi nito na game na game siya ano mang role na ibigay sa kanya. Since pumasok daw siya sa mundo ng showbiz ay alam na niya na dapat ready siya kahit gay character pa ang gagampanan niya. 

”Dati ko pang sinabi kung titingnan mo pa yung past interview ko lagi kong sinasabi na kahit ano'ng role naman puwede namang tanggapin. Basta sa tingin ko maganda yung proyekto, kasi kunwari maganda yung role pero pangit yung proyekto bakit mo kukunin 'di ba. Hindi rin maganda yung maipapakita mo sa mga tao,

“So para sa akin excited ako para dito and it doesn’t matter what role you have kasi as an actor dapat lahat naman game ka eh. Sa totoo lang 'di ba, as an actor yun ang turo sa amin sa mga workshop, sa mga natutunan ko at tinanggap ko yun so ganun yung tingin ko dito sa mga projects na ganito.” 

Pinuri rin ni Mikael ang buong staff at crew ng Ismol Family dahil kitang-kita raw niya na ang lahat ay nagtutulungan at focused para higit na mapaganda ang show. 

“Para sa akin maganda yung proyekto dahil kitang-kita ko na pinag-uusapan ng mga writers ng creative, ng director, ng production, ng admin. Kung paano gagalingan at mapapaganda yung show nararamdaman ko yun.” 

Abangan niyo mga Kapuso si Bernie sa Ismol Family at para sa gustong masubaybayan pa siya please log on to the its show page. Also, like them on Facebook and follow them on Twitter.