Showbiz News

Pokwang, kinabahan sa premiere night ng 'Becky & Badette'

By Nherz Almo

Nagmistulang walking billboard ang comedy actresses sina Eugene Domingo at Pokwang nang rumampa sila patungo sa advance screening ng pelikula nilang Becky & Badette.

Sa suot nilang yellow at orange silk dresses, nakadikit ang katagang: “BECKY & BADETTE DEC 25 IN CINEMAS NATIONWIDE.” Simula Fashion Hall ay naglakad nang parang nagra-rally sina Eugene at Pokwang--kasama ang co-starts nilang sina Romnick Sarmenta at Agot Isidro, at ang kanilang direktor na si Jun Lana--patungo sa Cinema 10 ng SM Megamall kagabi, December 21.

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Bago simulang ipalabas ang kanilang pelikula, na official entry sa 2023 Metro Manila Film Festival, nagbigay ng mensahe ang binansagang comedy queens.

Excited na inihayag ni Pokwang, “Naku, pakikalat po ang balita, hindi fake news, napakasaya po ng pelikulang ito. Ang hatid lang po namin talaga ay magbigay ng saya at tawa ngayong Kapasukuhan.

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nandito ngayon at talagang sumuporta po na handang makitawa po sa amin sa pelikulang talagang naman tawa po at ngiti ang hatid sa atin.”

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, hindi na niya naitago ng TiktoClock host tunay na nararamdaman: “Kinakabahan ako, grabe na 'to!"

Sa kabilang banda, pasasalamat naman ang inihatid na mensahe ni Eugene sa mga manonood.

Aniya, “Ito po ay isang gabi ng milagro. Naisip ba ninyo na magsasama-sama tayong lahat sa loob ng sinehan. That's why tonight we thank the Lord for making this possible for all of us. Tonight is a chance to start our contribution to save Philippine film industry. Lahat po kayo ay kasama sa pagsasalba ng industriya ng pelikulang Pilipino."

Samantala, umani ng papuri ang comedy film ni Jun Robles Lana mula sa award-winning actress na si Dolly de Leon.

Sa interview sa kanya matapos ang pelikula, sinabi ni Dolly, “Grabe. I was so surprised kasi you would get from comedies is nakakatawa lang. Pero ito, has a very precious story about friendship, forgiveness, acceptance and it's okay to make mistakes as long as we are accountable for them.

“Ang ganda ng message niya. I loved it. And I see Pokwang and Eugene Domingo together via Jun Robles Lana film, what a dream.”

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

SAMANTALA, BALIKAN ANG GUEST APPEARANCE NINA EUGENE AT POKWANG SA FAST TALK WITH BOY ABUNDA RITO: