Showbiz News

Vilma Santos, Christopher de Leon give advice to young actors

By Nherz Almo

Isang magandang halimbawa ng professionalism ang ipinakita ni Star for All Seasons Vilma Santos kamakailan kaugnay ng pagpo-promote niya ng pelikulang When I Met You in Tokyo, na official entry sa 2023 Metro Manila

Bago kasi ang media conference ng pelikula noong December 15, nagkaroon ng sakit ang batikang aktres. Ngunit sa kabila nito, dumalo pa rin siya rito sa pamamagitan ng video conference.

Sa ginanap naman na Parade of Stars noong December 16, sinigurado pa rin ni Vilma, o mas kilala sa bansag na Ate Vi, na ramdam ng fans ang kanyang presensya sa pamamagitan ng audio recording ng kanyang mensahe para sa kanila, na maririnig sa float ng When I Met You in Tokyo sa kabuuan ng event.

Samantala, kamakailan lang ay sinamahan ni Ate Vi ang kanyang onscreen partner na si Christopher de Leon sa advance ticket selling sa isang mall.

A post shared by Vilma Santos Recto (@rosavilmasantosrecto)

Sa press conference, idiniin ni Ate Vi ang pagiging propesyunal sa trabaho nang hingin ang kanyang payo para sa mga bago at nakababatang aktor.

Aniya, “Itong newbies natin, mga bagong sibol na magiging superstar na 'yan, maybe they can learn something from us. Inabot namin talaga yung tinatawag na hardwork. Talagang dedication and really serious. This time, siguro given the right time, sila yung pag-asa ng [industriya] natin, yung mga Gen Z ngayon.”

Naging halimbawa pa niya ang kasama nila sa pelikula na sina Cassy Legaspi at Darren Espanto.

“Itong sina Darren and Cassy, nakita namin ang samahan nilang dalawa and they're very comfortable with each other. Hindi pwedeng huminto diyan. Talagang every day is a learning process.

“Keep on honing your career, what you need to learn. Kasi, at the end of the day, ang labanan diyan is longevity, hanggang kailangan ka sa industriya. Malaki ang pag-asa ng mga baguhan natin.”

Halos ganito rin ang naging mensahe ni Christopher sa mga bagong artista.

Aniya, “Just be yourself and do the best you can. They have it, actually. They just have to embrace it and cultivate it. Kailangan ng growth, continuous work and reading. Katulad ni Madam Gina [Alajar], may mga workshops. Just continuous exploration of the craft.”

Kuha sa Tokyo, Japan, ang When I Met You in Tokyo ay pinagbibidahan din nina Lotlot De Leon, Gina Alajar, Lynn Cruz, Gabby Eigenmann, Kakai Bautista, at ang baguhang si John Gabriel. Abangan ang pelikula sa darating na pagbubukas ng MMFF ngayong Disyembre 25, araw ng Pasko.

SAMANTALA, NARITO ANG ILAN PANG BATIKANG AKTOR NA KINIKILALA SA INDUSTRIYA: