Showbiz News

Anime Nation! Hail to Bleach!

BY AEDRIANNE ACAR


 
Anime Nation! Humanda na sa isang umaatikabong umaga tuwing Linggo, dahil ang paborito ninyong orange-haired hero na si Ichigo Kurosaki ay magbabalik na this July 6, 2014 sa Bleach the Movie: Fade to Black!
 
Ngayon, mas nagbabaga ang aksyon at mas matitinding labanan ang haharapin ni Ichigo at kanyang barkada sa Soul Society!
 
Ano kaya ang gagawin ni Ichigo sa pagbabalik niya sa Soul Society, kung saan isang sakuna ang kanyang daratnan at ang mga Shinigami tulad ni Renji Abarai ay walang memorya tungkol sa kanya?
 
Matulungan din kaya niya ang kaibigang si Rukia na hawak ng magkapatid na may tinatagong kapangyarihang maaring maging mitsa ng pagkasira ng Soul Society at ikapahamak nito?
 
Siguradong aabangan ninyo ang malulupit na action fights na tatatak sa imahinasyon ng lahat. Mas magiging kapanapanabik ang Bleach the Movie: Fade to Black, dahil bobosesan ng mga paborito ninyong Kapuso Actor at Actress ang mga iniidolo ninyong mga karakter.

Magsasama uli ang former off-screen couple na sina Kapuso heartthrob Kristoffer Martin bilang Ichigo at Chinita cutie Joyce Ching as Rukia.
 
Enjoy your Sunday morning at huwag ninyong kalilimutang panoorin ang Bleach the Movie: Fade to Black simula July 6,2014, 8:30 ng umaga sa Network na astig pagdating sa mundo ng anime GMA!