Showbiz News

Ang mga commandments ni Yna

BY AEDRIANNE ACAR  

Hindi dapat binabalewala ng mga anak ang mga aral at turo ng ating mga ina. Bilang ilaw ng tahanan nagsisilbing gabay sila para tahakin natin ang tamang landas. Pero kung commandments ni Yna ang hindi mo sinunod, naku! Siguradong ja-jackpot ka sa kanya at sandamukal na pang-ookray ang aabutin mo. 

Kaya mga Kababol silipin at tumawa sa mga sumusunod na episode transcripts at alamin ang mga commandments ng nag-iisang “Queen of Sarcasm” herself Yna. 

Yna Commandment #1: Hindi maganda i-post ang picture ng paa mo lalo na kung mukha itong luya!

Yna: “Anak ano 'to? Nag-post ka ng picture ng paa mo sa Facebook.” 
Selphie: “Selfeet po ang tawag doon.”
Yna: “Selfeet. Anak matanong ko lang hindi ka ba nagtataka mas maramin pang nag-like ng picture ng paa mo kaysa sa mukha mo, dalawang bagay lang ang ibig sabihin niyan. Hindi sila nagagandahan sa itsura mo o mahilig sila sa luya.

"Anak sa tanda kong ito bihira ako makakita ng tao na mahilig sa luya. Kaya nakasisiguro ako napapangitan sila sa iyo. Anak hindi ko alam kung alin ang mas makapal, yung balat mo sa paa o yang mukha mo. Kasi iniinsulto ka na natutuwa ka pa ano'ng katangahan 'yan.Paki-explain. Ah! Mahilig pala ako sa luya kaya labyu.”

Yna Commandment #2: Huwag magbiro sa taong may sakit! Gets mo! 



Yna: “Anak napansin ko ni-like mo yung status ko na may lagnat ako.”
Selphie: “Opo. Magaling na po ba kayo po?”
Yna: “Anak matanong ko lang nang-aasar ka ba? May sakit na nga ako ni-like mo pa. Alam mo ba yung ibig sabihin ng salitang ‘LIKE’ parang gustong-gusto mo na magkasakit ako ha. Nasisiyahan ka ba 'pag hindi maganda ang pakiramdam ko ha. Anak, hindi naman lahat ng status kailangan i-like. Think before you click! Click ka ng click hindi ka na nagthi-think. Dapat nagthi-think ang anak ko, dahil nagthi-think ang nanay mo! Ano'ng pagpapaka-insensitive 'yan. Paki-explain. Labyu!”
 
Yna Commandment #3: Landian moments dapat i-private.  



Yna: “Uy anak bagong t-shirt?”
Selphie: “Opo couple shirt po namin ng boyfriend ko. Ang sweet po noh!”
Yna: “Maupo ka anak. Anak matanong ko lang. Kailangan ba talagang ibida sa buong mundo ang kalandian niyo. Humihingi ba kami ng ebidensya na magnobyo kayo. Hindi naman ah. Sukang-suka na kami sa pagpo-post ng mukha niyo palaging magkadikit. 'Pag magsyota ba kailangan naka-uniform? Ano kayo fastfood?!
Alam mo kung ano bagay na terno sa inyo?
Selphie: “Ano po?”
Yna: “Lubid itali niyo sa leeg niyo. Ano'ng pagpapalabas 'yan? Paki-explain. Labyu.”