Showbiz News

Coleen Garcia, may approval na ni Amari na magtrabaho ulit

By EJ Chua

Muling mapapanood sa big screen ang aktres na si Coleen Garcia.

Kabilang si Coleen sa star-studded cast ng 2024 sexy-suspense-thriller film na pinamagatang Playtime.

Sa katatapos lang na story conference ng pelikula, kapansin-pansin ang excitement ni Coleen para sa bago niyang proyekto.

Sa isang panayam, sinabi ng celebrity mom na masaya siyang pinayagan na ng kanyang anak na si Amari na makabalik sa trabaho.

Pahayag niya, “I really want to start doing a lot of films again. Pinapayagan na ako mag-work ni Amari… It's just that nakaka-guilty you know… mom guilt na hindi ko maiwan iwan 'yung anak ko.”

“Ngayon, It's so easy na I just have to say, Mommy is going to work and he lets me go, finally. Approved na siya, pinapayagan na,” dagdag pa niya.

Si Amari ay first baby ni Coleen at ng aktor na si Billy Crawford.

Samantala, makakasama ng una sa pelikulang Playtime sina Sanya Lopez, Faye Lorenzo, Xian Lim.