Showbiz News

Marian Rivera, pinaiyak si Ivana Alawi?

By EJ Chua

Napaiyak si Ivana Alawi sa kaniyang latest vlog, kung saan inimbitahan niya para sa isang collaboration ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Bakit kaya?

Sa unang parte ng vlog, mapapanood kung paano na-starstruck si Ivana nang makita na niya si Marian, na ayon sa una ay kaniyang sobrang iniidolo.

Bago makarating ang vlogger sa bahay ng aktres, nakipagsabwatan si Marian sa kapatid ni Ivana na si Mona Alawi para sa isang prank.

Isinagawa nina Marian, Mona, at iba pang mga kasabwat ang prank kay Ivana sa kalagitnaan ng vlog.

Habang sinasagot nina Marian at Ivana ang mga katanungan ni Mona para sa content, nagkunwaring galit ang una.

Nang sinimulan na ni Marian ang prank, labis na kinabahan si Ivana at kalaunan ay naiyak na siya sa takot.

Bukod sa team ni Ivana, kasabwat din nina Mona at Marian si Dingdong Dantes.

Makalipas ang ilang minuto, hindi na kinaya ni Marian na hindi i-reveal na prank lang ang lahat ng nangyayari.

Pagkatapos ng prank, masayang kinuha ni Marian ang cake para sorpresahin naman si Ivana.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 5.3 million views ang naturang vlog.

Matatandaang bago makasama ni Ivana si Marian, naka-collab ng una ang isa pang Kapuso actress na si Bea Alonzo.