Showbiz News

Group chat ng 'Crazy 5' na school bullies, nag-leak; isang babae, pinagdiskitahan

By Jimboy Napoles

Sumasabay sa ingay ng mga maiiinit at pinag-uusapang leaked convos sa social media ang group chat ng mga school bully na tinatawag na “Crazy 5.”

Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo sa grupong ito na “cravings” na ang maghanap ng taong kanilang pagdidiskitahan.

“Have you seen our new school cleaner? Alam ko na cravings ko today,” chat ng isa sa Crazy 5 na may pangalang Portia.

“Kabahan na siya sis,” panggagatong naman ng isa sa kanilang kasamahan na si Maxine.

“Nakakaloka ang Crazy 5,” post ng isang netizen nang i-share niya ang nag-leak na convo.

Pero kalma lang muna, dahil ang group chat pala na ito ay parte lamang ng promo para sa upcoming mystery revenge drama ng 2024 - ang Makiling. Pinagbibidahan ito ng reel-to-real life couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Ang tinutukoy na Crazy 5 ay binubuo ng mga kontrabidang sina Myrtle Sarrosa, Kristoffer Martin, Royce Cabrera, Claire Castro, at Teejay Marquez. Sila ang magpapahirap nang sukdulan sa mga karakter nina Elle at Derrick bilang sina Amira at Alex.

Sa pasilip na teaser ng serye kamakailan, panggigigilan ng Crazy 5 si Amira dahil sa pagiging palaban nito at dahil sa hawak nitong mahiwagang bulaklak na nakapagpapagaling - ang Mutya.

Sa darating na January 8, 2024, samahan si Amira na gumanti sa mga taong umapi sa kanya sa Makiling.