Showbiz News

Camille Prats: Jill-of-all-trades

By CHERRY SUN



Si Kapuso actress Camille Prats ay isang seasoned actress, TV host at single mom. Aside from this, ano kaya ang isa pa niyang pinagkakaabalahan?

Nasubaybayan natin ang paglaki ni Camille Prats mula sa isang charming child star hanggang sa pagganap sa mga mature na roles.

Kinwento ni Camille kung paano nagsimula ang kanyang showbiz career. Aniya, “Gusto kong sumali sa Little Miss Philippines kasi idol ko si Aiza Seguerra. Tsaka lagi ako nanonood nun ng Eat Bulaga.”

Hindi man siya nanalo, tuluyan pa rin siyang sumikat sa pagganap bilang Sarah Crewe sa family drama film na Sarah, Ang Munting Prinsesa.

Huminto siya sa showbiz upang tapusin ang pag-aaral sa Amerika, at para tumutok sa kanyang bagong pamilya with Anthony Linsangan.

Sa kanyang pagbabalik-showbiz, gumanap si Camille sa mas mature and heavy roles gaya ng characters niya sa Munting Heredera at Bukod Kang Pinagpala. Katatapos lang ang pinagbidahan niyang Afternoon Prime series na The Borrowed Wife at ngayon ay naka-concentrate siya as a talk show host sa Mars.

Isa na ring single but proud mom si Camille sa kanyang six-year old son na si Nathan. Sinisigurado ng aktres na lagi silang may bonding time. Sa katunayan, sinasamahan niya sa school at dance classes ang kanyang anak, at nagswi-swimming at basketball sila.

Tila punong-puno na ang araw ni Camille as a TV personality and mom, pero abala rin siya bilang isang school directress.

Nagbukas siya ng isang pre-school five years ago, at ngayong taon ay nag-expand na ito para magturo ng elementary education.

Ayon sa aktres, mahalaga pa rin talaga ang pag-aaral. “Unang una talaga ‘yun. Don’t miss school. It’s an opportunity not given to many,” sabi nito.

“You’re gonna reap the benefits 'pag tanda mo, kaysa sa wala ka talagang napag-aralan,” dagdag niya.

Marami mang pumupuno sa kanyang araw, alam pa rin ni Camille kung ano ang kanyang priorities at mga bagay na dapat bigyang-halaga.