
Maraming netizens ang na-excite sa pasabog na teaser video na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre noong New Year, January 1.
Sa katunayan, umabot na sa mahigit isang milyon ang views nito sa Facebook. Sa teaser video, kumpirmado na ang pagbabalik ng OG 2016 Sang'gre na sina Glaiza De Castro, Sanya Lopez, Kylie Padilla, at Gabbi Garcia.
May basbas na rin mula sa mga dating tagapangalaga ng brilyante ang bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, Angel Guardian.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa teaser ng Sang'gre:
The past meets the present. #Sanggre pic.twitter.com/DqgJs5s2pU
-- Encantadia SAGA (@EncantadiaSAGA) January 1, 2024
Estasectu!!! 💚❤️💙🤎
-- nicoleᵕ̈ (@_gentlewmn) December 31, 2023
Handa na rin kami!!!
hayss miss hearing the Hara Amihan's (@kylienicolep )voice lalo na pagnagsasalita siya ng enchanta 🥹💙 #Encantadia #Sanggre pic.twitter.com/28Joi6VeUJ
Ang dalawang henerasyon ng tagapangalaga ng mga brilyante ng apoy, tubig, lupa, at hangin. 🔥💧🍂🌀#Sanggre #EncantadiaChronicles pic.twitter.com/KQTG081Ydu
-- Jean Antoine (@NotTheOrphan) December 31, 2023
Sa Sang'gre, makikilala si Bianca bilang Terra, ang bagong tagapagmana ng Brilyante ng Lupa. Mapapanood naman si Kelvin bilang Adamus, ang tagapagmana ng Brilyante ng Tubig, Faith bilang Flamarra, ang tagapagmana ng Brilyante ng Apoy, Angel bilang Deia, ang tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.
Magbabalik naman si Glaiza bilang Pirena, Sanya bilang Danaya, Kylie bilang Amihan, at Gabbi bilang Alena.
Makakasama rin sa Sang'gre sina Rocco Nacino bilang Aquil, Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Bianca Manalo, Jamie Wilson, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, Pamela Prinster, ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.
Panoorin ang teaser video ng Encantadia Chronicles: Sanggre sa video na ito:
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG MGA SANG'GRE MULA SA TEASER VIDEO RITO: