'Encantadia Chronicles: Sang'gre' Story Conference

Nagkasama-sama ang ilan sa star-studded cast ng Sang'gre sa naganap na story conference nito noong October 26.
Ipinakilala sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian bilang bagong henerasyon ng mga Sang'gre.
Si Bianca ang magiging bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa, habang ang magmamana naman ng Brilyante ng Apoy ay si Faith, Brilyante ng Tubig si Kelvin, at Brilyante ng Hangin si Angel.
Makakasama rin nila sa continuation ng iconic telefantasya ng GMA sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Bianca Manalo, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, Pamela Prinster, at ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.
Narito ang ilang behind-the-scenes photos mula sa story conference ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.






















