
Ngayong 2024, mapapanood sa big screen ang Kapuso actor na si Xian Lim.
Sa isang interview, ibinahagi ni Xian ang ilang detalye tungkol sa upcoming sexy suspense thriller film na Playtime.
Ayon sa aktor, sobrang excited siya sa kanyang bagong proyekto.
Pahayag niya, “Sobra akong na-excite… Direk Mark [Reyes] was looking for something new… I've done my share of psychological… in the past…”
Kasunod nito, sinabi ni Xian na ganitong klaseng proyekto ang hinahanap niya ngayon.
Sabi niya, “Ito 'yung hinahanap ko right now na parang just do something different. Of course after doing Love. Die. Repeat… My soul is looking for something to do na kakaiba naman.”
“I would say na.., this would be the most intense role that I would be playing. It's really just edgy and at the same time, pushing my comfort zone. Kasi, hindi ko pa siya nagagawa ever,” dagdag pa niya.
Samantala, makakasama ni Xian sa pelikula sina Sanya Lopez, Coleen Garcia, at Faye Lorenzo.
Abangan ang Playtime, mapapanood sa big screens ngayong 2024.