Showbiz News

Alden Richards, hinangaan ni Lolit Solis dahil hindi pagpapadala sa pressure

By Kristian Eric Javier

Malaking paghanga ang inilahad ng talent manager na si Lolit Solis kay Asia's Multimedia Star Alden Richards. Ito ay dahil sa hindi pagpapadala ni Alden sa pressure na magkaroon ng lovelife, kahit pa madalas ay pinagdududahan ang kaniyang gender identity.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Lolit, "Hanga nga ako kay Alden dahil hindi siya nagpapadala sa pressure. Hindi siya kagaya nuon iba na basta lang mapagbigyan iyon gusto ng iba, sige kahit sino liligawan o gagawin partner."

Dagdag pa ni Lolit, “Alden Richards is biding his time, dahil gusto niya iyon mapipili niya iyon forever niya. Hindi padalos dalos, hindi nagmamadali, hindi nagpapa pressure.”

Inilarawan pa ng talent manager si Alden bilang “tunay na lalaki” dahil sa focus at tiwala nito sa sarili at tiniyak ang aktor na may tiwala ang mga tao sa choice niya sa buhay.

Ang reaksyon ni Lolit ay nagmula sa interview na ginawa ni Alden sa YouTube channel ni Toni Gonzaga. Sa naturang episode, sinabi ng aktor na hindi na niya pinapansin ang mga intrigang pinagdududahan ang kaniyang gender identity dahil sa kaniyang kawalan ng lovelife.

Pahayag ni Alden, “Yung judgment sa gender ng mga kalalakihan sa industriya natin is ang dali because of that fact. But, ako, parang, pupunta ba ako sa route na 'yon dahil gusto ko lang mang-please?”

Nilinaw naman ng aktor na “perfectly happy” siya sa kung ano ang meron siya at sinabing mas pipiliin niyang kunin ang bawat oportunidad na lumapit sa kaniya pagdating sa career.

BALIKAN ANG NAGING CELEBRATION NI ALDEN NG KANIYANG 32ND BIRTHDAY DITO:

Sa post ni Lolit, ipinahayag niya ang pagsang-ayon sa sinabi ni Alden na pressure lagi sa mga lalaking celebrities ang pagkakaroon ng lovelife, at sinabing ang pagbibigay ng kulay kapag wala ito ay “isang mali sa kultura natin.”

Paliwang niya, "Bakit hindi natin matanggap kung ayaw ng isang tao na ma link o magkaruon ng partner. Babae o lalaki, choice nila iyon."

Dagdag pa nito, “May mga tao na gusto solo lang sila, ayaw nila ng may kasama. So, what is wrong with that?”

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Lolit para kay Alden: "Alden Richards, cool ka lang. May tiwala kami sa choice mo sa buhay. At basta maligaya ka, happy kami. Bongga."

Tingnan ang buong post ni Lolit dito: