What's on TV

Sanya Lopez at Ashley Ortega, emosyonal nang makausap ang 2 comfort women

By Kristine Kang
Published January 5, 2024 11:21 AM PHT
Updated July 3, 2024 11:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

sanya lopez and ashley ortega


Naging emosyonal ang 'Pulang Araw' stars na sina Sanya Lopez at Ashley Ortega sa mga kwento ng mga comfort women noong panahon ng World War 2.

Sa tulong ng grupong Lila Pilipina, nabigyan ng pagkakataon ang Pulang Araw stars na sila Sanya Lopez at Ashley Ortega na makausap ang dalawang naging comfort women o sex slaves noong panahon ng World War 2.

Sa kanilang panayam kina Lola Estelita at Lola Narcisa, naging emosyonal ang dalawang Kapuso actress nang ibinahagi nilang madilim na karanasan at emosyon noong panahon ng Hapon.

Lalong naiyak ang lahat nang sinabi ni lola Narcisa "Kaya sa ngayon, e, nakikita ko ang mga kabataan... masaya sila. Sabi ko sana ganyan ang inabot ko noong panahon pa namin. Nagsaya rin ako katulad nila. Pero hanggang tumanda ako dala-dala ko yung trauma ko."

Ayon kina Sanya at Ashley, sila Lola Estelita at Lola Narcisa ay maituturing na pinakamatapang na mga babae na nakilala nila sa buong buhay nila. Mabigat na aral din ang napulot nina Sanya at Ashley mula sa mga kwentong ibinahagi ng dalawang matanda.

"Natutunan ko yung tapang, lakas ng loob, yung faith nila na makakalagpas sila sa buhay na meron sila," emosyonal sinabi ni Sanya.

Dagdag din niya na napahanga siya kina Lola Estelita at Lola Narcisa nang nalaman niya ang mgapinagdaanan ng dalawang lola noon.

Emosyonal din si Ashley nang kanyang mapagtanto kung gaano kaswerte ang henerasyon niya pagkatapos ng kanilang panayam sa mga matatanda.

"Isa sa greatest lesson is dapat sa mga kabataan ngayon maging grateful kayo dahil napakaswerte natin ngayon," paiyak sinabi ni Ashley.

Inspired ngayon ang dalawang celebrities na mas galingan nila ang kanilang parte sa upcoming series ng Pulang Araw, kung saan ilalahad ang mga pasakit na naranasan ng mga kababaihan noong World War 2.

"Pag-aaralan ko ng mabuti, itong character ko, itong show na'to. Bibigay ko ang lahat kasi para po ito sa lahat ng mga comfort women noong world war 2," sabi ni Ashley.

Kwento naman ni Sanya, mas lalo siyang na motivated sa kaniyang upcoming project noong nalaman niya na paboritong panoorin siya nila Lola Estelita at Lola Narcisa. Pangako rin niya na iaalay niya ang kaniyang karakter para sa lahat ng mga comfort women.