Showbiz News

Chef Pepito Manaloto? Vampire Rhodora?



Kakaibang mga personalidad ang mapapanood natin ngayong weekend nights.

Sa Sabado ay may malaking challenge na kailangang harapin si Pepito. May sakit ang kanilang mga katulong na sina Baby at Maria, at wala rin sa mansyon ang kanyang maybahay na si Elsa. Kayanin kaya niyang ipagluto sina Chito at Clarissa?

Sa bahay naman ng mga Ventura ay may darating na bisita ngayong Linggo. Tila nababaliw na si Viveyka (na gaganapin ni Jennylyn Mercado), ang kinakapatid ni Victor, dahil meron itong alter-ego na gumugulo sa kanya.

Maitatawid kaya ni Pepito ang pagluluto para sa kanyang mga anak? Matutulungan ba ng Ventura family na malabanan ni Viveyka ang Roxanne ng buhay niya? Alamin sa bagong Sabado Star Power at Sunday Grande ng GMA.

From chef to dancer

Mula sa paging chef ay magiging hari ng dance floor ang padre pamilya ng Manaloto family. Sasamahan ni Michael V. ang Kapuso Primetime Queen sa Saturday dance party na Marian. Ituloy-tuloy na ang Saturday bonding sa drama ng totoong buhay sa Magpakailanman.

Funny Sundays

Punuin ng katatawanan ang inyong Linggo sa Vampire ng Daddy Ko (6:10 p.m.) at kilalanin ang bagong pamilyang magpapasaya ng inyong gabi, ang Ismol Family (6:55 p.m) sa Sunday Grande ng GMA.