Showbiz News

What is Dennis Roldan's greatest sacrifice?

By MICHELLE CALIGAN


 
Nagbabalik showbiz ang actor-politician na si Dennis Roldan bilang ama nina Tom Rodriguez at Ruru Madrid sa primetime series na My Destiny. Ang character niya na Mateo Andrada ay isang cardiac surgeon na asawa ni Selena Andrada, played by Ms. Kuh Ledesma.
 
Malayo ang role na ito sa totoong papel na ginagampanan ni Dennis ngayon - ang pagiging pastor ng Jesus Christ the Life Giver Ministry. This is also what he considers as his greatest sacrifice in life.
 
"Kasi ang sinakrifice mo doon marami. Biro mo, nung araw, puwede kang pumunta sa mga club and drink. You can womanize, you can smoke. Lahat ng gusto mong gawin, puwede mong gawin at that time," kuwento niya nang amin siyang makapanayam sa first taping day ng My Destiny.
 
Dagdag pa niya, "But now, since you have become a servant of God, very limited ang ginagalawan mo, especially sa amin, we pastor a church, people look at us eh. Lalagyan mo ng boundaries lahat ng ginagalawan mo, may limitation."
 
Ang nakakalungkot lang daw ay may mga taong hinihintay siyang magkamali. "Ang masakit, they are waiting for you to stumble. 'Yun ang malungkot dito sa mundo natin, hinihintay nila na magkamali ka para mabatikos ka. Sacrifices talaga."
 
In the end, his greatest sacrifice brought him great rewards. "Mabigat na sacrifices 'yung tatanggalin mo lahat ng vices mo. Kaya lang masarap din siya kasi alam mo na mapapabuti ka."
 
Catch Dennis Roldan as Mateo in My Destiny, beginning June 30 on GMA Telebabad.