Showbiz News

Kim Molina, rediscovers herself in new movie sans BF Jerald Napoles

By Nherz Almo

Noong panahon pandemic, kung kailan istrikto ang protocols sa paggawa ng mga pelikula, madalas na nakikita ng mga manonood na magkasama sa mga proyekto ang real-life couple na sina Jerald Napoles at Kim Molina.

Simula lamang ng 2023 nang muling nakagawa ng acting projects ang celebrity couples nang hindi kasama ang isa't isa. Si Jerald ay bumida sa pelikulang Instant Daddy, samantalang si Kim ang bida sa unang pelikula ng Viva Films ngayong 2024, ang My Zombabe.

Ayon kay Kim, may mabuti ring naidulot ang paggawa nila ni Jerald ng proyekto nang magkahiwalay.

“I discovered myself again without Jerald,” pahayag ni Kim sa press conference ng My Zombabe.

Dagdag na kuwento niya, “I'm always open with the people, lagi kong sinasabi na si Jerald kasi talagang he's my mentor when it comes to acting. Senior ko po siya sa theater. Alam din naman ng lahat na kapag magkasama kami sa stage, mag-i-script analysis kami.

“Lahat 'yan, si Jerald ang mentor ko, kasama ko siya. So, it's easier for me kapag uwi ng bahay mag-i-script analysis kami, batuhan kami bago matulog. Yung ganung proseso namin bilang magka-love team, na parang theater pa rin, ginagawa namin sa movies. Hindi ko 'yan ginagawa before when I was doing other projects without him.”

Aminado si Kim na nakaramdam siya ng takot nang muli siyang mag-solo para sa naturang pelikula.

“Since puro siya ang kasama ko noong pandemic, noong umpisa, sa totoo lang, I was scared,” sabi niya.

Gayunman, sabi ng aktres, “Pero when I got to this again, I discovered myself again, 'Ah, kaya ko nga pala. Medyo nakalimutan ko lang siguro kasi nag-pandemic at laging kasama kita.' Kaya lagi kong sinasabi na okay lang na merong tayo kasi meron pa ring ako.”

NARITO ANG ILANG KILING PHOTOS NINA KIM AT JERALD:

Samantala, sa naturang pelikula, makakapareha ni Kim ang kapwa komedyanteng si Empoy Marquez. Kaya naman di naiwasang matanong siya kung sino sa pagitan nina Empoy at Jerald ang mas mahusay.

Hindi ito diretsahang sinagot ni Kim. Sa halip, sinabi niya, Biased aside na kaibigan ko si Empoy at boyfriend ko si Jerald, sobrang kasi po talaga nilang artista. Whether in comedy or drama, naibibigay talaga nila. Difference I think when it comes to how they would portray a character--they would always put their flavor in it, their own version. For example, kung si Jerald po ang gagawa ng My Zombabe at si Empoy naman ang magiging Instant Daddy, pareho ninyong panonorin, magkaiba.”

TINGNAN ANG IBA PANG NAKA-LOVE TEAM NI EMPOY RITO: