Showbiz News

Mikael Daez: Nagulat dahil binigyan siya ng gay role ng GMA

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Super busy ang Kapuso actor na si Mikael Daez. Bukod sa mga modelling projects, mapapanood din siya gabi-gabi sa Saksi bilang host ng Midnight Express.
 
Sa pagtatapos ng primetime series na Adarna, heto ngayon at isang sitcom naman ang pinagkakaabalahan ni Mikael, ang Ismol Family. Siya ay si Bernie, ang gay best friend ni Jingo Ismol (Ryan Agoncillo). 
 
Kuwento ni Mikael sa GMANetwork.com hindi raw niya inexpect na mabibigyan siya ng comedy project tulad ng Ismol Family. Aniya nung nag-uumpisa pa raw siya mag-artista ay hindi pa niya alam kung ano bang landas ang tatahakin niya sa showbiz.
 
“Aminin niyo hindi niyo nakita na magco-comedy ako. So ako nagulat ako na napili ako for sitcom. So I hope na ibig sabihin nun may nagagawa akong tama na nakita nila na may nagagawa akong iba, kaya ko pala ‘to.”
 
Dagdag pa ng Ismol Family star, “Dahil alam ko naman dati medyo hindi pa alam ng tao kung ano yung ginagawa ko. Kahit ako mismo hindi ko pa alam kung saan ako hiyang. Kaya ko ba talagang mag-drama kaya ko ba talagang mag-comedy, kaya ko bang mag-host.”
 
Malaki raw ang pasasalamat ni Mikael sa Kapuso Network dahil nakikita raw nito ang ginagawa niyang effort para paghusayan pa ang kanyang pag-arte. Sa pagbibigay ng proyektong ito, sinusuklian daw ng GMA-7 ang lahat ng kanyang effort. 
 
“So ako lang nagtratrabaho lang para mag-improve, para gumaling. I hope ibig sabihin nito na may nakita ang GMA na tama naman yung ginagawa ko.”
 
Napakagaan din daw na makatrabaho ang cast ng Ismol Family. Sabi nito swak na swak daw ang chemistry nila ni Ryan Agoncillo. 
 
“Nakakatuwa actually hindi ko first time katrabaho si Ryan sa Bubble Gang nakatrabaho ko na siya. Okay siya, very, very light na katrabaho. Cool na cool siya, actually maganda yung chemistry namin sa taping ang dami dami. Iba-ibang personality si Pekto, si Carla, si Ryan, ako pero nagwo-work lang so masaya naman ako na nagwo-work.” 
 
Mai-in-love ang mga kababaihan at pati na rin ang mga kalalakihan kapag napanood niyo si Bernie ng Ismol Family. Kaya kung gusto niyo pa siyang makilala, please visit its show page. Also, like them on Facebook and follow them on Twitter