Showbiz News

Zephanie, grateful sa magandang blessings na natanggap sa simula ng taon

By Kristian Eric Javier

Pagpasok pa lang ng taong 2024 ay nakatanggap na agad ng blessings ang Kapuso singer na si Zephanie. Bukod sa paglabas ng kaniyang bagong single, bibida din siay kasama si Michael Sager sa Sparkle U: #SoundTrip. Kaya naman talagang feeling grateful ang singer-actress.

Released na ang bagong single ni Zephanie na 'Kung ang Puso' na siya ring themesong ng seryeng Lovers & Liars. Inamin niya sa interview niya kay Cata Tibayan para sa 'Chika Minute' sa sa 24 Oras na naging mahirap ang pag-record niya ng kanta dahil sa emosyon na hinihingi nito sa kaniya.

“Honestly, 'yung recording naging mahirap siya kasi first part pa lang ng song, sobrang daming emosyon na 'yung nire-require niya,” pagbabahagi ni Zephanie.

Dagdag pa nito, “I guess hindi pa naman ako sobrang nakaka-relate sa ganung klase ng sakit kaya I really had to channel that emotion inside.”

BALIKAN ANG GEN-Z TEEN QUEEN LOOKS NI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO:

Bukod sa bagong single, nakasama ui sina Zephanie at Michael sa bagong story ng Sparkle U na #SoundTrip. Gagampanan nila uli ang kanilang mga role na sina Sue at Marco.

“It's a very big blessing for the both of us na mabigyan ng chance na maging lead naman po sa third story ng Sparkle U which is #Soundtrip,” sabi niya.

Sinabi rin ni Zephanie na pareho silang masaya ni Michael na nagustuhan at inaabangan ng mga tao ang kanilang performance sa serye.

Dahil maraming nakapansin na mas masaya ngayon si Zephanie, tinanong siya kung parte ba ng dahilan ang on-screen partner niya. Ang sagot ng Kapuso singer, “I guess isa din naman po siya sa mga reasons kung bakit maganda 'yung - kung bakit happy din ako.”

Ibinahagi rin niya na simula pa lang ng taon ay gusto na niyang ma-attract ang magandang energy kaya grateful siya sa mga blessings niya ngayon.

“I really want to attract that energy na no matter what negativity surrounds me, gusto ko na I will remain positive,” sabi niya.