Showbiz News

Pops Fernandez, magbabalik-teleserye?

By Jimboy Napoles

Sinagot ng tinaguriang Concert Queen na si Pops Fernandez ang tanong ni Boy Abunda kung bukas ba siyang bumalik sa paggawa ng teleserye nang mag-guest siya sa programa ng batikang TV host na Fast Talk with Boy Abunda.

“Are you open to doing teleseryes?” tanong ni Boy kay Pops.

Saglit naman na nag-isip si Pops at sinabing, “I used to do teleseryes. Siguro, I would consider if I feel kaya ko 'yung role.”

Dagdag pa niya, “Hindi kasi ako masyadong nagpelikula, hindi ako masyadong umarte.”

Pero ayon kay Pops, bukas naman siya sa ideya na muling pagsabak sa teleserye pero aniya, “As long as hindi po puyatan, siguro puwede.”

Nabigla naman si Pops sa sumunod na tanong sa kanya ni Boy, “Bakit ang ganda-ganda mo?”

“Ang gusto ko honest ka, Tito Boy. I love this show, he's so honest,” nakangiting sinabi ni Pops.

“Ay, no, no, no. I, I do wanna… this is no BS,” ani Boy.

Sagot naman ni Pops, “I think 'yun na nga, Tito Boy, 'yung kagaya ng pinag-uusapan natin earlier, mas sure na ako sa sarili ko. Mas alam ko na 'yung gusto ko, mas alam ko na 'yung hihindian ko.”

Matatandaan na noong 2003 napanood si Pops sa teleseryeng Twin Hearts sa GMA.

Samantala, sa darating na Pebrero 2024, balik-live stage na si Pops sa kanyang “Always Loved” concert tampok ang kanyang mga bagong awitin.


RELATED GALLERY: Pops Fernandez, handa nang maging "Lolly Pops" sa unang apo