Showbiz News

'Mommy Dearest,' malapit nang mapanood sa GMA

By Kristian Eric Javier

Malapit nang mapanood sa GMA afternoon prime ang suspense thriller series na Mommy Dearest.

Dahil sa kaniyang malubhang sakit, napilitan si Maria Angela Caparas o Mookie (Shayne Sava) na manatili lang sa bahay, sa pangangalaga ng kaniyang ina na si Olive (Camille Pratts).

Kahit si Olive lang ang lagi niyang kasama, hindi naramdaman ni Mookie ang pagmamahal at pag-aaruga. Sa halip ay nahanap niya ito sa kanilang kasambahay na si Emma (Katrina Halili).

Ngunit isang sikreto ang mabubunyag tungkol sa tunay na katauhan ni Mookie na pilit itinatago ni Olive at si Emma lang ang makakatulong sa kaniya.

Matuklasan pa kaya ni Mookie ang katotohanan? Mahanap pa kaya niya ang pagmamahal ng isang tunay na ina? Abangan sa Mommy Dearest, malapit nang mapanood sa GMA.