
Ipapalabas na sa mga sinehan ang unang pelikula nina Glaiza De Castro at Pokwang--ang mystery-thriller film na Slay Zone, sa darating na February 14.
Noong Miyerkules (January 17), ibinahagi ni Glaiza ang official poster ng kanilang pelikula na idinirehe ni Louie Ignacio.
"Eto naaa seryoso na, finally ipapalabas na sa February 14 ang #SlayZone with Mamang [Pokwang]," sulat ni Glaiza.
Ibinahagi rin ni Pokwang ang poster na ito sa kanyang Instagram account. Sulat niya, "In cinemas this February 14 na! Suspense action naman tayo this Valentine's Day."
Makakasama rin nina Glaiza at Pokwang sa Slay Zone sina Lou Veloso, Hero Bautista, Paolo Rivero, Raul Morit, Tabs Sumulong, Yian Gabriel, at Panteen Palanca.
Magkakaroon din ng espesyal na partisipasyon sa pelikula si Kuya Kim Atienza.
Samantala, bukod sa Slay Zone, abala ngayon si Glaiza para sa second season ng Running Man Philippines at Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Napapanood naman si Pokwang bilang isa sa mga hosts ng TikToClock at makakasama rin siya sa second season ng Jose and Maria's Bonggang Villa.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG MGA SANG'GRE MULA SA TEASER VIDEO DITO: