Showbiz News

Boss Toyo, mapapanood sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

By Aedrianne Acar

Dapat abangan ang Sunday night episode (January 21) ng Kapuso Mo, Jessica Soho, dahil itatampok sa award-winning GMA Public Affairs program ang isa sa mga sikat na content creator ngayon.

Sa Instagram post ng programa, mas makikilala natin si Boss Toyo o Jayson Luzadas sa totoong buhay!

Sabi sa official Instagram page ng KMJS, “A COLLAB WE DIDN'T EXPECT! Jessica Soho, kikilalanin ang content creator na si Boss Toyo! Ang dating aminadong adik at snatcher, paano nga ba nagbago at naging matagumpay sa negosyo?

“Mareng Jess, susubukan ding magbenta ng isa sa kanyang mga memorabilia! Ano kaya ito? Abangan ngayong Linggo sa #KMJS!”

BALIKAN ANG ILAN SA MEMORABLE MOMENTS NG KAPUSO MO, JESSICA SOHO DITO: