advertisement
Showbiz News

Remembering Manoy: The beautiful life of Eddie Garcia

1 of 12

Eddie Garcia

Ipinanganak si Eddie Garcia, o Eduardo Verchez García, noong May 2, 1929 sa Sorsogon.

2 of 12

Military

Bago pumasok sa showbiz noong 1949, nagsilbi munang miyembro ng Philippine Scouts ng US Army si Eddie kung saan siya na-destino sa Okinawa, Japan bilang military policeman ng tatlong taon.

3 of 12

Actor

Hindi sumagi sa isip ni Manoy na maging artista dahil pangarap niyang maging sundalo, hanggang sa may nag-alok sa kanya na mag-screen test para sa isang pelikula kasama sina Johnny Monteiro at Mario Montenegro.

advertisement
4 of 12

Siete Infantes de Lara

Nagsimula ang kanyang acting career noong 1949 matapos mapabilang sa pelikulang 'Siete Infantes de Lara' na idinerehe ni Manuel Conde.

5 of 12

Classic films

Matapos ang kanyang stint sa naturang pelikula, napasama na si Eddie sa daan-daang pelikula. Kabilang riyan ang classic films na 'Tinimbang Ka Ngunit Kulang' (1974) at 'Ganito Kami Noon… Paano Kayo Ngayon?' (1976).

6 of 12

Director

Noong 1961, sinimulan ni Eddie ang kanyang directorial career sa pelikulang 'Karugtong ng Kahapon.'

advertisement
7 of 12

Filmmaking

Bukod sa 'Karugtong ng Kahapon,' siya rin ang nag-direct ng mga pelikulang 'Atsay' (1978), 'P.S. I Love You' (1981), 'Sinasamba Kita' (1982), 'Palimos ng Pag-ibig' (1986), 'Abakada Ina' (2001), at marami pang iba.

8 of 12

Notable roles

Higit siyang hinangaan sa mga pelikulang 'Death Row' (2000), 'Mano Po' (2002), 'Bwakaw' (2012), at 'Rainbow's Sunset' (2018).

9 of 12

Award-winning

Dahil sa kanyang malaking ambag sa Philippine cinema, kabi-kabila ang kanyang mga natanggap na parangal mula sa iba't ibang organisasyon.

advertisement
10 of 12

Hall of Famer

FAMAS Hall of Fame awardee si Eddie bilang Best Actor, Best Supporting Actor at Best Director, pero nitong nakaraang 2019 FAMAS lamang ay ginawaran siyang muli bilang Best Actor para sa pelikulang 'ML.'

Ngayong taon, pinarangalan si Eddie bilang Pinakamahusay na Pangunahing Aktor para sa pelikulang “ML.”

(Eddie Garcia named Urian Best Actor for 'ML', is still in critical condition)

11 of 12

Philippine cinema

Ani Manoy sa kanyang past interviews, utang daw niya ang kanyang buhay sa Philippine cinema dahil kung itinuloy niya ang pagiging sundalo, ay marahil matagal na siyang binawian ng buhay.

12 of 12

Work attitude

Isa na ring dahilan kung bakit tumagal si Eddie sa industriya ay dahil sa kanyang displina na nakuha niya sa military.

advertisement