Showbiz News

Who will snatch best actor, singer and dancer for Renz Valerio?

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
If Kapuso actor Renz Valerio will put up his own award-giving body, who will bag the coveted title in acting, singing, and dancing?
 
His best actor
 
The award goes to… it’s a tie! Dahil maraming magagaling na aktor ngayon, nahirapan si Renz pumili ng isa lang. Ibibigay niya ang award kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at ang co-star niya sa Overtime na si Richard Gutierrez.
 
Ayon kay Renz, bukod sa napakagaling na aktor ng dalawa, siya rin ang itinuturing nitong role models. “Hanggang ngayon ay maganda po 'yung social status nila eh. Maganda po 'yung image nila,” pahayag ng batang aktor.
 
Nakadagdag daw sa points sa pagiging best actors nina Dingdong at Richard ang kanilang pagiging versatile actors. Aniya, “Kahit matagal na sila sa showbiz, kaya pa ring dalhin [ang] kahit ano'ng role. Kahit ano'ng ibigay sa kanila, kaya nilang gampanan.”
 
His best singer
 
Sa singing category naman, wagi si Christian Bautista kay Renz! Aniya, “Ang gusto ko po ay si Christian Bautista kasi kapag kumakanta po, naroon 'yung charm. Nadadaan po niya doon eh.”
 
Bukod sa pagiging charming, hindi raw maikakaila ang napakagandang boses ng singer. “Sa boses siyempre given na po na talagang maganda. Tapos ang maganda po sa kanya, kapag kinakanta po niya, talagang makukuha 'yung attention ng tao,” saad ni Renz.
 
His best dancer
 
Marami ang pumasok sa isip ni Renz pero naibigay niya pa rin ang pangalan ng Bad Boy ng Dance Floor na si Mark Herras.
 
Ani Renz, ang bad boy image ni Mark ang naging dahilan kaya niya ito naging paborito. “Kahit tinatawag po siyang bad boy ng dance floor, kapag nakausap mo, down to earth pa rin at mabait pa rin siya,” bahagi ni Renz.
 
Dagdag pa niya, “Nadadala niya 'yung attitude niya na parang cool, parang chillax lang. ‘Yun po 'yung gusto ko kapag nagsasayaw siya eh.”