Showbiz News

Dion Ignacio didn’t expect to be seen as a dream guy

By MARY LOUISE LIGUNAS 



Hindi inasahan ni Dion Ignacio na maraming napamahal kay Dencio, ang kanyang character sa Innamorata. Isa sa mga hindi niya makakalimutang reaksyon ng mga fans ay ang comment na dream guy raw nila si Dencio.
 
“May mga nagsabi na ang bait daw nung character, parang dream guy. Hala, dream guy. Ganun pala yung na-create kong character,” kuwento niya.
 
Malapit daw sa puso ni Dion ang kanyang huling ginampanan. Marami siyang personal na emosyon na ipinahayag sa pamamagitan ng karakter ni Dencio.
 
“May mga personal akong [feelings] na pinapahiram ko kay Dencio. Feeling ko itong katauhan ko na ugaling ‘to, papahiram ko sa character ko. [Shinare ko talaga ang sarili] ko kay Dencio,” dagdag ng aktor.
 
Hindi naging biro ang paghahanda ni Dion para sa kanyang pagganap. “Isang beses, napaiyak ako sa kuwarto eh. Para makuha ko yung ganung performance, nagsusunog ako ng kilay sa kuwarto, nagbabasa ako ng script,” aniya.
 
Para sa kanya, sulit ang lahat ng binigay niyang effort at panahon sa pag-develop ng character ni Dencio.
 
“’Pag walang taping, ‘di ako umaalis. Nag-aaral lang talaga ako ng script para handa ako, so natutuwa ako [sa reaction ng fans] dahil sobrang pinaghirapan ko yun tapos na-appreciate nila,” sabi niya.
 
Hindi lang napabuti ni Dion si Dencio, ngunit marami ring naturo si Dencio kay Dion. “Kapag mahal ni Dencio yung isang tao, pinaglalaban niya talaga. So dapat ‘pag meron akong love, ipaglaban ko,” idineklara ni Dion.