Showbiz News

Hannah Precillas, inalala ang nakakaiyak na parte ng 'Queendom Live the Concert'

By Aedrianne Acar

Binalikan ng Sparkle diva na si Hannah Precillas ang isa sa memorable moments ng Queendom Live the Concert na ginanap noong December 2023.

Dito nakasama ni Hannah ang ilan sa brightest singers ng GMA Network na sina Rita Daniela, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, at ang Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose.

Sa panayam sa kaniya ng 24 Oras, nagkuwento si Hannah kung bakit sobra siyang emosyonal sa solo performance niya sa Queendom concert.

Lahad niya, “Naging sobrang emotional ako dun sa solo performance ko, dahil sa mga hindi po nakakaalam.

“Hindi ko pa yata nakuwento sa karamihan pero that was dedicated for my dad na nasa heaven na ngayon.”

Dagdag ng Sparkle singer, “Dahil 'yun ang pinakalast kong kinanta. Last performance ko din, I was seven years old or eight years old at that time. Kinanta ko siya and 'yun ang last song narinig niya sa akin.”

Napanood naman kagabi ang Queendom: Live the TV Special, kagabi January 26.

CHECK OUT MOMENTS FROM QUEENDOM LIVE THE CONCERT:

GET TO KNOW HANNAH PRECILLAS HERE: