Showbiz News

Ruru Madrid and Ashley Ortega, together again in 'My Destiny'

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Unang nagkasama sa isang Magpakailanman episode ?ang teen stars na sina Ruru Madrid at Ashley Ortega. Ngayon ay muli silang magkakatrabaho sa primetime series na My Destiny bilang sina Paul Andrada at Alex Martinez.
 
Si Paul ang nakababatang kapatid ni Matthew, played by Tom Rodriguez, habang si Alex naman ang best friend ni Nicole, played by Gabrielle Garcia, na girlfriend ni Paul.
 
Bilang pinakabatang members ng cast ng naturang programa, parehong excited ang dalawang teen stars na makatrabaho ang ilan sa mga respetadong artista sa industriya.
 
"Of course, I was so happy nung nalaman ko na part ako ng show na ito," masayang pagbabahagi ni Ashley.
 
Sa umpisa nga raw ay akala niya na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana lang ang mga makakasama niya. "Noong nag-storycon, nalaman ko kung sino pa ang ibang kasama, sabi ko 'Oh my gosh, anlalaki pala ng cast!' So I need to give my best, kailangan namin i-push. It's a big challenge to us, to me especially."
 
Sang-ayon naman dito si Ruru. "Talagang masaya ako kasi naging part ako ng ganitong teleserye, na isang napakagandang istorya. Siyempre kasama ko dito mga batikang aktor at aktres."
 
Mas serious na raw ang love team nila kumpara noong ginawa nila ang 'Tatay na si Totoy, Nanay na si Nene' episode ng Magpakailanman. Pareho naman daw silang maayos katrabaho, kahit makulit si Ruru.
 
"Makulit siya, masaya siyang kasama. Salita siya ng salita, hindi siya nauubusan ng sasabihin," saad ni Ashley.
 
Abangan sina Ruru Madrid at Ashley Ortega bilang Paul and Alex sa My Destiny, pagkatapos ng Niño sa GMA Telebabad.