Showbiz News

My Love from the Star: The Last Kilig Throwback Hirit

By EUNICIA MEDIODIA
 
Nabitin ba kayo sa My Love from the Star? Don’t worry dahil magbabalik ito this Sunday. Tutuparin nina Matteo Do at Steffi Cheon ang inyong destiny to watch My Love from the Star.
 

 
Sa pag-alis ni Matteo, paano na si Steffi? Makakabalik pa ba si Matteo sa planet Earth? O tuluyan na siyang naglaho na parang bula?
 
Paano na ang kanilang happy ending kung hindi naman nila makakasama ang isa’t isa sa habang panahon?
 
Makakaya ba ni Steffi ang kanyang pangungulila sa taong mahal?
 
Makalipas ang tatlong taon, tila walang nagbago para kay Steffi. Wala siyang inisip at bukambibig kundi si Matteo lang. Minsan pa nga nakikita niya si Matteo pero bigla rin itong nawawala. Guni-guni niya lang ba ito o nasisiraan na siya ng ulo dahil sa kakaisip kay Matteo?
 

 
Hindi nawawala ang pagmamahal ni Lucy kay Winston. Sa pagkakataong ito, mahulog na rin kaya ang loob ni Winston kay Lucy? O patuloy siyang aasa sa pag-ibig ni Steffi?
 
Matagal nang iniibig ni Winston si Steffi, siya pa rin kaya ang nasa puso nito pagkalipas ng maraming taon? Nakahanda na ba siyang magparaya kay Matteo?
 


Ang nakakabatang kapatid ni Steffi, si Yuan, ang umiidolo kay Matteo. Boto rin siya sa lalaki dahil parehas sila ng interes. Lagi niyang inaalala ang bilin ng tinuring niyang mentor. Tutupad kaya siya sa mga pinangako niya rito?
 
Ano ang mangayayari kay Yuan ngayong wala na ang kanyang mentor at tinuturing na bayaw?
 
Hanapin ang inyong destiny sa The Last Kilig Throwback Hirit ng My Love from the Star ngayong Linggo.