Showbiz News

Christian Antolin says he is forever grateful for Marian Rivera

By Dianne Mariano

Isa sa mga kaabang-abang na serye ngayong taon ay ang upcoming primetime series na My Guardian Alien.

Ang nasabing serye ay pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.

Related content: Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins at iba pang Kapuso stars, nagsama-sama sa story conference para sa bagong serye

Kabilang din sa stellar cast ng My Guardian Alien ay ang content creator na si Christian Antolin.

Sa Instagram, ibinahagi ng social media star ang kanyang larawan kasama ang Kapuso Primetime Queen at sinabing siya ay forever grateful sa aktres.

“Thank you Ate @marianrivera forever akong grateful sayo dahil nagbigay ka ng opportunity sa katulad ko,” sulat niya sa caption.

Dagdag pa niya, “Ang bait mo sobra, sana ol na lang talaga gising nung nagwisik si Lord ng ganda.”

Samantala sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, excited na si Marian na mapanood ng mga anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto ang kanyang upcoming project.

“'Yun naman talaga 'yung hiling ko sa GMA na kung gagawa ako at magka-comeback ako, gusto ko mapapanood ng mga anak ko at may matututunan sila sa ginagawa kong programa which is binigay nila,” pagbabahagi ni Marian.

ALAMIN ANG MGA NAGING SAKRIPISYO NI MARIAN RIVERA PARA SA KANYANG ROLES SA GMA TELESERYES SA GALLERY NA ITO.