Showbiz News

Rocco Nacino, kinilig sa pag-amin ni Lovi Poe sa kanilang relasyon

By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Pagkatapos aminin ni Lovi Poe sa Startalk na boyfriend niya na ang aktor na si Rocco Nacino,



naging vocal naman ang aktor na kinilig siya sa pahayag ng kanyang girlfriend.

“Now you all know. Now I’m happy. Kilig,” nakangiting pahayag ni Rocco.
 
Ayon kay Rocco, hindi niya napanood ang interview na ito kaya’t nagulat na lamang siya dahil may mga text messages siya na natanggap na nagko-congratulate sa kanya.
 
“I kept getting texts. Siguro mga fifteen texts. Tapos ang daming nagti-tweet sa akin,” saad ni Rocco.
 
Dagdag ng aktor, gusto sana niyang gawing pribado ang kanilang relasyon ni Lovi ngunit naisip umano niya na lalabas rin naman ang balitang ito sa mga tao. Dagdag niya, naging mas malapit siya sa kanyang girlfriend lalo na't nailabas na nila ang kanilang love story.
 
“Siguro okay na rin, para malaman [ang status ng relationship],” pagtatapos ni Rocco.
 
Gusto niyo bang makita ang kanilang Paris trip where it all started? See their kilig Instagram photos here.