Showbiz News

Romantic Deception Weekly Recap | Ang pagtatagpo nina Roy at Tan

Tumawag si Roy sa center upang hanapin si Patty at malaman ang tunay na pangalan nito ngunit hindi niya nakuha ang sagot dahil biglang dumating si Pamela at kinailangan niyang putulin agad ang tawag.

Isang pangyayari naman ang nag-udyok upang magtagpo ang landas nina Roy at Tan. Nagkakilala ang dalawa nang tulungan ng bata si Roy mula sa kamay ng mga masasamang loob.

Hinanap ni Patty si Tan sa kanilang bahay ngunit laking gulat niya nang isang natutulog na Roy sa kanilang kama ang bumungad sa kanya pagkauwi.

Nang umalis na si Roy ay nagsabi si Tan sa kanyang ina na gusto niyang makita at bumisita ulit si Roy pero hindi pumayag si Patty.

Embed:

Labis na nag-alala si Roy kina Patty at Tan kaya ninais sana nitong matulog na lamang sa kanilang bahay para mabantayan ang dalawa.

Embed:

Abangan ang mas kapana-panabik pang mga eksena sa Romantic Deception, Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.