Showbiz News

Glaiza De Castro on working with Pokwang: ''Yung depth niya as a dramatic actress is something else'

By Aedrianne Acar

A different side of Pokwang ang makikita natin sa new movie niya na Slay Zone na idinirehe ng award-winning director na si Louie Ignacio.

Kahit ang co-stars niyang sina Glaiza De Castro at Abed Green, lubos na humanga sa performance ng Sparkle comedienne sa pelikula.

Sa online media conference ng idinaos ng Sparkle GMA Artist Center ngayong Lunes ng hapon, February 12, kung saan nakapanayam ng entertainment press si Glaiza, sinabi ng Running Man Philippines star na nakakamangha ang talent ni Pokwang pagdating sa drama.

Lahad niya, “I think 'yung capacity talaga and 'yung depth niya as a dramatic actress is something else. Hindi siya masyado pinag-uusapan, hindi siya masyado naha-highlight, pero I think dito sa pelikulang ito kapag napanood ito ng tao, makikita ng audience na 'Ah! may capacity talaga siya to be serious.'”

Dagdag pa ng Kapuso primetime actress, “Kasi, araw-araw natin nakikitang nagpapatawa, makulit lang. Kahit off-screen ganun din siya. Makulit lang talaga siya. Pero 'pag seryoso, seryoso at 'yung seriousness na 'yun, nakakahawa.”

RELATED CONTENT: STUNNING PHOTOS OF GLAIZA DE CASTRO

Baon naman ng Sparkle hunk na si Abed Green ang turo ni Mamang Pokwang sa kanya pagdating sa pagiging professional sa trabaho nila bilang artista.

Ayon sa Open 24/7 actor, pinaalala ng magaling na comedienne ang kahalagahan ng pagiging “on time.”

Kuwento ni Abed, “Number one kaagad na sinabi ni Miss Pokwang, kasi po nag-breakfast kami during ng nagsho-shoot kami ng film. Ang lagi niya sinasabi na 'pag aktor ka, kahit veteran ka or baguhan ka, huwag ka mali-late sa set.

"'Yun ang lagi niya sinasabi, kasi preparation is everything daw pagdating sa acting. Mas maganda 'yung magiging akting mo kapag mas maaga ka.”

Mapapanood nationwide ang Slay Zone sa darating na Miyerkules, February 14.