GMA Logo Kate Valdez
What's Hot

Kate Valdez, bakit nag-aral agad ng pagluluto?

By Dianne Mariano
Published February 13, 2024 3:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SM Supermalls Celebrates DOLE’s 92nd Anniversary and Marks 30,000th Hired-On-The-Spot Milestone
These hotel offerings are perfect for the holidays
Tree from rubble lights hope in UP Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez


Anu-ano'ng preparasyon kaya ang ginawa ni Sparkle actress Kate Valdez para sa kanyang role sa upcoming Philippine adaptation ng 'Shining Inheritance'?

Isa si Kate Valdez sa mga bibida sa upcoming Philippine adaptation ng well-loved Korean drama series na Shining Inheritance.

RELATED CONTENT: Cast ng PH adaptation ng KDramang 'Shining Inheritance', nagkita-kita na sa story conference



Kabilang din sa lead stars ng nasabing serye sina Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Kate, masaya ang aktres sa kanyang taping experience dahil maganda ang nabuo nilang samahan ng kanyang co-stars sa set ng serye.

“I'm very much happy sa show na ito kasi although it sounds cliche pero talagang ang babait ng mga kasama ko and I feel so blessed na sila 'yung nakatrabaho ko sa project na ito. Kasi ang sarap magtrabaho talaga kapag magaan 'yung aura sa set, masaya lang, hindi mo nararamdaman 'yung bigat ng eksena,” pagbabahagi ng Kapuso actress.

Dagdag pa ni Kate, “For me, mas nagwo-work sa akin 'yung gano'n kasi I feel relaxed and I'm able to deliver kapag relaxed ako and I'm happy sa set.”

Puspusan din ang paghahandang ginawa ni Kate para sa kanyang role sa serye bilang Inna Villarazon. Kabilang sa kanyang preparasyon ay ang pag-aaral ng pagluluto ng simpleng dishes.

Aniya, “Hindi talaga ako marunong magluto e pero as preparation, nag-aral ako ng simple dishes, on how to serve or kahit mga simpleng paghawak ng sandok or knife kasi si Inna marunong talaga siyang magluto and mahilig siyang magluto. So I have to show that to the viewers.”

Bukod dito, sumailalim din sina Kate at ang kanyang co-star na si Seth Dela Cruz, na gaganap bilang kanyang nakababatang kapatid, sa meetings kasama ang psychiatrist.

“Also, mayroon siyang (Inna Villarazon) younger brother na may special needs. So we undergo workshop kasi bago ko pa lang makakatrabaho si Seth and I'm really excited. So 'yung role niya rito very challenging so kailangan namin i-work on that kasi mayroon siyang autism. We undergo meetings with psychiatrists para alam namin and ma-guide rin kami on how to approach kung ano ba talaga 'yung limit and paano 'yung interaction naming dalawa,” kuwento pa niya.

Sa isang panayam noong nakaraang taon, ibinahagi ni Kate na palaban ang kanyang role sa serye.

"Palaban po 'yung character ko rito pero hindi pa-kontrabidang palaban. Palaban siya because [of] survival instincts," aniya sa interview sa kanya ni Nelson Canlas ng 24 Oras.

Makakasama rin sa Shining Inheritance sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charuth.