advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: At the 'Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko' media conference

1 of 14

Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko

From left to right, Direk Jorron Lee Monroy, Francine Prieto, Sharmaine Arnaiz, Euwenn Mikael Aleta, Rayver Cruz, Kris Bernal, Kim Domingo, Boots Anson-Roa, and Beverly Salviejo

2 of 14

Kris Bernal

Stand out si Kris Bernal sa kanyang crimson-colored gown sa ginanap na media conference ng teleserye.

3 of 14

Naomi

Bibigyang buhay ni Kris ang karakter ni Naomi, ang babaeng gagawin ang lahat mabawi lang ang kanyang pinakamamahal na si Mateo kahit sumakabilang buhay na siya.

advertisement
4 of 14

Rayver Cruz

Mala-prinsipe naman si Rayver Cruz sa kaniyang printed blazer-vest combo na may kasama pang ribbon tie.

5 of 14

Mateo

Gagampanan niya si Mateo, ang asawa ni Yvie (Megan Young), na minumulto ng kanyang ex na si Naomi.

6 of 14

Kim Domingo

Marami naman ang nagulat nang ipakita ni Kim Domingo ang kanyang new do, isang short and blunt bob cut.

advertisement
7 of 14

Katya

Mapapanood siya bilang Katya sa 'Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko,' ang pinsan at best friend ni Yvie. May malaking papel siyang gagampanan sa istorya ngunit nananatiling tikom ang bibig ni Kim tungkol dito.

8 of 14

Boots Anson-Roa

Si Miss Boots Anson-Roa naman ay gaganap bilang si Abuela Adora, ang lola ni Mateo na kontra kay Yvie.

9 of 14

Sharmaine Arnaiz

Komplikado raw ang role ni Sharmaine Arnaiz as Tina, ang ina ni Yvie na may history ng mental illness.

advertisement
10 of 14

Francine Prieto

Masaya naman si Francine Prieto sa kanyang karakter na si Mercy, ang ina ni Katya at tita ni Yvie.

11 of 14

Beverly Salviejo

Gagampanan naman ni Beverly Salviejo ang mapamahiing katulong nina Mateo at Abuela Adora na si Yaya Vane.

12 of 14

Euwenn Mikael Aleta

Ginulat ni Euwenn ang press nang ikuwento niyang nakakakita raw siya ng mga kakaibang nilalang. Mapapanood siya bilang si Santino, ang ampon nina Yvie at Mateo.

advertisement
13 of 14

Direk Jorron

Ayon kay Direk Jorron, dream come true raw para sa kanya ang proyektong ito at gagamitan daw nila ito ng techniques na pampelikula.

14 of 14

Abangan

Abangan ang 'Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko,' this July 22 na from Mondays to Saturdays pagkatapos ng 'Eat Bulaga!'