Showbiz News

Shaira Diaz, Allen Ansay at Sofia Pablo, may advice para sa aspiring artists

By Kristian Eric Javier

Nagpatuloy ang search for the next big Kapuso star sa naganap na Sparkle Caravan Campus Tour sa University of Perpetual Help System Dalta kamakailan.

Bilang pampalakas ng loob ay nagperform ang Sparkle stars na sina Shaira Diaz, Dion Ignacio, Larkin Castor, Kapuso love teams na sina Marco Masa at Ashley Sarmiento, at Allen Ansay at Sofia Pablo.

Sa interview nila kay Nelson Canlas sa 'Chika Minute' para sa 24 Oras ay nagbahagi si Shaira ng advice para sa upcoming and aspiring artists.

“Mahirap mag artista, oo. Sana kapag kunyari natanggap sila, 'wag silang mapagod kaagad, 'wag silang panghinaan ng loob kung maraming rejections silang maransan,” sabi niya.

Ayon din sa aktres, sa rejections makakakuha ng experience ang aspiring actors and actresses.

Para naman kay Allen, isa sa mga unang dapat gawin ng upcoming artists ay ang ipakita kung sino sila talaga.

Dagdag pa niya, “'Wag kang kakabahan kasi lahat naman tayo dumadaan diyan.”

Sinabi rin ni Sofia na hindi lang sa pagiging talented nakukuha ang success ng isang artista, kundi pati na rin sa pagiging mabait at sa pakikiasama.

“Kailangan maayos ang makisama, mabait ka, kasi ang daming artista na ang galing pero dahil ang hirap nilang ka-work, inaayawan so 'yun ang mahalaga,” sabi niya.

BALIKAN ANG SPARKLE STARS NA NAGPASAYA SA KANILANG SPARKLE GRAND FANS DAY SA GALLERY NA ITO:


September 2023 naman nang magpunta sina Five Breakups and a Romance stars Alden Richards at Julia Montes sa Kapuso Campus Caravan sa Lyceum of the Philippines University kung saan nagbigay rin ang dalawang artists ng tips para sa aspiring actors and actresses.


“Meron kami ni Alden na tip rin sa inyo: tapusin niyo muna 'yung school bago kayo pumasok sa showbiz kasi mahirap siya talaga i-balance,” ani ni Julia.

Dagdag pa ng aktres, dapat ibigay muna ng apsiring artists ang academics sa sarili nila, bago nila ibigay na reward ang pangarap nilang maging artista.

Sumang-ayon naman si Alden, “Yes, kasi honestly, kami po ni Juls is hindi po kami pinalad makapagtapos ng studies. And, right now, that we have the means to go back, e, medyo nahihirapan po kami i-balanse 'yung pag-aaral sa pagtatrabaho.”