Showbiz News

Sparkle's Best, magpapasaya ng Global Pinoys sa Canada

By Kristian Eric Javier

Busy na sa paghahanda ang anim sa pinakamalalaking artista ng Sparkle na magbigay ng Valentine's Day vibes para sa Global Pinoys sa Canada ngayong Abril.

Pupunta sina Barbie Forteza at David Licauco o Team BarDa; Julie Anne San Jose at Rayver Cruz o Team JulieVer; at sina Ruru Madrid at Bianca Umali o Team RuCa. Magbibigay rin ng saya si Boobay na makakasama nila.

Sa interview nina Julie at Bianca kay Aubrey Carampel para sa "Chika Minute" ng 24 Oras, sinabi nila kung gaano sila kasaya at excited na mag-perform uli para sa Global Pinoys.

“We're very very happy, very excited and looking forward siyempre na magkaroon ulit ng chance na magka-get together kasama ng mga global Pinoys natin doon sa Canada,” ani ni Julie.

“And also, the show will be directed by the one and only Mr. Johnny Manahan,” sabi naman ni Bianca.

BALIKAN ANG PAGBIBIGAY NG SAYA NG 'ABOT-KAMAY NA PANGARAP' CAST SA GLOBAL PINOYS SA JAPAN SA GALLERY NA ITO:

Ngunit bago sila lumipad sa Canada ay binigyan muna nila ng warm welcome ang Fil-Canadians na bumisita sa bansa.

Ang pagpunta ng Fil-Canadians ay isang Winter Escapade Tour na inorganisa ng Philippine Consulate and Embassies in Canada, Department of Foreign Affairs, Department of Tourism, kapartner ang GMA Pinoy TV.

Samantala, paano kaya ipinagdiwang nina JulieVer, BarDa, at RuCa ang araw ng mga puso?

Si Julie, sinorpresa ni Rayver ng flowers at date sa isang Japanese restaurant.

“After that nakapagmisa pa kami kasi Ash Wednesday din, so it's really important din to spend time with the family din,” sabi ni Julie.

Busy naman sa kani-kanilang work sina Bianca at Ruru pero, ayon sa aktres, “It's a good problem.”

“Once or twice a week na lang, 'yun na 'yung date namin, lagi. It's a good problem actually, 'yung busy kami parehas, because it shows that we are both blessed and we are both busy on major projects that we are both doing,” sabi niya.

Panoorin ang buong interview nila dito: